|
||||||||
|
||
Seguridad ni G. Rodrigo Duterte, hindi problema
CERTIFICATES OF CANVASS. Ikinakarga na ng mga tauhan ng Senado ang mga urna ng mga balota sa truck ng militar kaninang umaga. Walong military trucks ang nagdala ng Certificates of Canvass art Election Returns sa House of Representatives para sa pagbibilang ng mga kongresista at mga senador. (Albert Calvelo/SENATE PRIB)
SINABI ng napipintong commander ng Presidential Security Group Col. Rolando Bautista na hindi problema ang seguridad ni G. Rodrigo Duterte sapagkat tutugon sila sa mga kahilingan ng kanilang ipagsasanggalang.
Sa isang panayam, sinabi ni Col. Bautista na rasonableng tao si G. Duterte at naniniwalang pakikinggan naman sila kung magkakaroon ng problema sa seguridad.
Nakikinig umano sa mga mungkahi ng mga kasama si G. Duterte kaya't wala silang nakikitang problema sa seguridad, dagdag pa ni Col. Bautista.
Magkakaroon umano ng mga pagbabago sa protocols na sinusunod ng Presidential Security Group sapagkat lumalabas umano sa hatinggabi ang punong-lungsod ng Davao at nakikipag-usap sa mga mamamayan, Handa silang sumunod sa kahilingan ng kanilang ipagsasanggalan huwag lamang malalagay sa alanganin ang kanyang seguridad.
Idinagdag ni Col. Bautista na isang karangalang mapili ni G. Rodrigo Duterte na pinuno ng Presidential Security Group. Naglingkod si Col. Bautista bilang commander ng Joint Task Group sa Basilan at nagtapos sa Philippine Military Academy noong 1985.
Naglingkod din siya bilang commander ng 73rd Infantry Batallion mula 2005 hanggang 2007 at bilang kumander ng Task Force General Santos.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |