|
||||||||
|
||
Dalawang araw na pulong sa Asian Development Bank, sinimulan
PULONG SA ASIAN DEVELOPMENT BANK SINIMULAN. Ipinaliliwanag ni Carol Realini, (pangalawa mula sa kaliwa) isang dalubhasa mula sa Silicon Valley ang kahalagahan ng teknolohiya sa industriya ng pagbabangko. Nasa larawan din sina Lotte Schou-Zibell ng Asian Development Bank (dulong kaliwa), Rochelle Tomas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (pangalawa mula sa kanan) at Duncan Woods ng Retail and Business Banking ng Singapore (dulong kanan). (Melo M. Acuna)
NAGSIMULA na ang dalawang araw na pulong ng mga dalubhasa mula sa iba't ibang bansa sa Asia na pinamagatrang "Financial Inclusion in the Digital Economy."
Nagsimula ang pagpupulong sa talumpati ni G. Bambang Susantono, ang vice president ng Knowledge Management and Sustainable Development Group ng Asian Development Bank.
Nakatuon ang pagpupulong sa mga nagaganap sa digital financial inclusion at mga oportunidad at hamon na mas makarating ang serbisyo ng mga bangko sa karamihan ng mga mamamayan, digital business models sa pagkakaroon ng financial services, supervision at regulasyon ng digital financial services at magagastos o halaga ng digital finance.
Bukod sa mga talumpati ay itinampok din ang mga talakayan at pagpapalitan ng kuro-kuro sa mga nagaganap sa iba't ibang bansa sa Asia-Pacifico.
Magtatapos ang pagpupulong bukas ng hapon sa pamamagitan ng talumpati ni G. Diwatar Gupta, Vice President ng Private Sector and Cofinancing Operations ng Asian Development Bank.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |