|
||||||||
|
||
Mga mambabatas mula sa Mindanao, nagpulong na
NAGKITA ang mga mambabatas mula sa buong Mindanao upang mabuo ang tinaguriang "Mindanao bloc" upang isulong ang mga palatuntunan ng kanilang kasamang si G. Rodrigo Duterte.
Ayon kay Ariel Casilao, isang mambabatas mula sa Anakpawis Partylist, 90% ng mga mababatas mula sa Region IX, X, XI at XII kasama na ang Caraga at Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nagtipon sa isang hotel sa Maynila upang mabuo ang "Mindanao bloc."
Dumalo rin ang mga mambabatas mula sa Anakpawis, Bayan Muna, TUCP, PBA at 1Pacman.
Si Casilao, isang lider ng mga manggagawa at magbubukid sa Davao, ang nagsabing isa sa mga prayoridad nila ang pag-uusap hinggil sa mga programa ni G. Duterte na mangangailangan ng tulong ng mga mambabatas.
Ayon kay Casilao, ang legislative agenda ay kinabibilangan ng pederalismo, pagpapaunlad sa Mindanao bilang food basket at pangmatagalang kapayapaan ayon sa katarungang panglipunan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |