|
||||||||
|
||
Senado nagpugay sa yumaong Senate President Maceda
ISANG MAGALING NA MAMBABATAS SI SENADOR MACEDA. Ito ang sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon sa necrological service na idinaos kanina sa Session Hall ng Senado. Namayapa si dating Senate President Ernesto M. Maceda noong Lunes, ika-20 ng Hunyo sa edad na 81. Kabilang si Senador Maceda sa Magnificent 12, ang mga senador na humadlang sa pagpapalawig ng pananatili ng mga base militar ng America sa bansa. (SENATE PRIB Photo)
NAGBIGAY galang ang mga kasalukuyan at nakalipas na mga mambabatas sa yumaong Senate President Ernesto M. Maceda sa necrological service sa senado kanina. Ginunita ang mga nagawa bilang mambabatas at bilang isang public servant sa higit sa limampung taon.
Ibinigay ni Senate President Franklin M. Drilon ang isang resolusyon ng Senado na nagpapa-abot ng pakikiramay ng buong Senado sa pagpanaw ng mambabatas.
Namayapa si Senador Maceda noong Lunes, ika-20 ng Hunyo sa edad na 81 dahil sa multi-organ failure.
Ginunita ni Senate President Drilon si G. Maceda bilang isa sa mga iginagalang na pangalan sa politika ng bansa. Ipina-alala pa rin ni G. Drilon na kabilang si Senador Maceda sa Magnificent 12 – ang mga senador na nagbasura sa panukalang pahabain pa ang pananatili sa bansa ng mga base militar ng America.
Isa pa rin sa nagpugay kay G. Maceda si Senador Francisco Tatad na kinakitaan ng pagsasakripisyo ng sarili para sa kabutihan ng balana.
Para kay dating Senador Renato Saguisag, malaking impluwensya ang iniwan ni Senador Maceda sa Senado lalo't higit ang tensyon sa Spratlys noong 1991.
Para kay dating Senador Orly Mercado, napakatalino, masipag at walang humpay sa trabaho si Senador Maceda. Idinagdag naman ni Senador Juan Ponce Enrile na kinakitaan si G. maceda ng angking talino, pagiging makabayan at katapatan para sa mga Filipino.
Dumalo rin sa parangal sina Senador Gregorio Honasan, Nancy Binay, mga dating Senador Loi Ejercito, Leticia Ramos-Shahani, Nikki Coseteng, Victor Ziga, Aquilino "Nene" Pimentel, Jr., Wigberto Tanada at Freddie Webb.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |