Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(Special Report) Food security, paksa sa Asian Development Bank

(GMT+08:00) 2016-06-23 17:37:18       CRI

Sapat ang kuryente ng Meralco

SAPAT ANG SUPPLY NG KURYENTE. Ito ang tiniyak ni G. Jose "Joe" Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang pinagkukunan ng kuryente ng Metro Manila at ilang mga kalapit lalawigan. Ipinaliwanag niyang nagdeklara ang kanilang kumpanya ng "yellow alert" kamakailan sapagkat manipis ang reserve nila dahil sa ginagawang planta sa Sual, Pangasinan. Wala na umanong nararapat pang ipangamba, dagdag pa ni G. Zaldarriaga. (Melo M. Acuna)

SINABI ng tagapagsalita ng Manila Electric Company o MERALCO na sapat ang kuryente ngayon sa kanilang franchise area na mula sa Pagbilao, Quezon hanggang sa Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni G. Jose "Joe" Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco na sa ulat na kanilang natanggap mula sa power generators, sapat ang kuryente kaya't saklaw ng "white alert" ang kanilang nasasakupan.

Noong nakalipas na ilang araw, naideklara ng Meralco ang "yellow alert" na nangangahulugan na mababa sa 1,000 megawatts ang kanilang reserve. Manipis ang reserve kaya't kung magkaka-aberya ang isa o dalawang planta ay maaaring maideklara ang "red alert." Ang "red alert" ay nangangahulugan na magkakaroon ng power interruptions sa kanilang franchise area.

Ipinaliwanag pa ni G. Zaldarriaga na noong nagkulang ang kuryente ay hinilingan nila ang mga may-ari ng shopping malls na gamitin ang kanilang generators at babayaran na lamang sa kanilang nagamit ng panggatong. Sa pagkakataong iyon, may 300,000 tahanan ang 'di nakaranas ng power outage.

 


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>