|
||||||||
|
||
Pandaigdigang kumpanya, magbubukas sa Pilipinas sa Setyembre
PANDAIGDIGANG KUMPANYA, MAGTATATAG NG TANGGAPAN SA PILIPINAS. Ipinaliliwanag ni G. Christoph Rubeli, co-chief executive officer ng Partners Group ang pagsisimula ng kanilang operasyon sa Pilipinas sa Setyembre. Maganda umanong magkalakal sa Asia sa patuloy na pag-angat nito sa mga kalakaran sa mga banyagang mangangalakal. Sa Pilipinas, umaasa silang higit na sisigla ang kalakal sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nasa gawing kanan si Gng. Grace del Rosario-Castano, Board Member ng Partners Group. (Melo M. Acuna)
PALALAWAKIN ng Partners Group, isang pandaigdigang private markets investment manager ang kanilang tayo sa Asia sa pagbubukas ng tanggapan sa Pilipinas sa Setyembre ng taong ito. Ang tanggapan, ayon kay Christoph Rubeli, co-chief executive officer, matatagpuan ang tanggpan sa Bonifacio Global City at magiging services hub para sa Partners Group affiliates. Nagsimula na silang mangalap ng mga kawani sa bansa.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Rubeli na pinag-aralan nila ang iba't ibang pook para sa kanilang itatayong tanggapan at naniniwala silang pinakamagandang kalagyan ang Metro Manila.
Idinagdag naman ni Grace del Rosario-Castano, kasapi sa Board of Directors ng Partners Group na nagmumula ang katatagan ng kanilang tanggapan ay sa kanilang iniaalok na serbisyo sa kanilang mga kliyente.
Nagbukas ang unanggang tanggapan sa Asia sa Singapore noong 2004, sa Tokyo noong 2007, Sudney at Seoul noong 2008. May mga tanggapan na sila sa Shanghai at Mumbai at may mga 250 kawani sa Asia-Pacific Region. Mayroon na silang siyam na direct investments sa Asia kanilang ang investment sa Aiyingshi, isang nangungunang Chinese retailer ng maternity at baby products at ang pagbuo sa Ararat Wind Farm malapit sa Melbourne, Australia.
Mahalaga sa Partners Group ang pagkaka-angkop ng kumpanya sa kultura ng bansa, karamihan ng mga may kakayahang mga kawani, ang pagiging matatas sa wikang Ingles at ang maayos na kalakaran ng pamahalaan.
Umaasa sina G. Rubeli at Gng. Del Rosario-Castano sa bagong pamahalaan na higit na magiging maluwag sa mga banyagang mangangalakal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |