|
||||||||
|
||
Presyo ng kuryente, tataas ngayong buwan
MATAPOS ang dalawang buwang sunod na pagbaba ng presyo ng kuryente na nagkakahalaga ng P 0.54 sa bawat kilowatthour, ang sisingilin ng Meralco sa residential customers ngayong buwan ay tataas ng P 0.29 bawat kilowatthour. Mas mababa pa rin ito ngP 0.25 sa bawat kilowatthour kung ihahambing sa halaga nito noongnakalipas na Abril.
Sa pagkakaroon ng kabawasan ng P10.00 sa electricity bill, ang karaniwang tahanan na kumukonsumo ng 200 kilowatthour ay makararanas ng pagtaas ng P58 sa kanilang electric bill ngayong Hulyo.
Sa isang pahayag ng Meralco, nabatid na sa halagang P 8.61 bawat kilowatthour, ang halaga ng kuryente ngayong buwan ay mas mababa ng P 0.77 bawat kilowatthour kung ihahambing sa halaga noong Hulyo ng 2015 na umabot sa P 9.38 bawat kilowatthour.
Sa halagang P 4.06 bawat kilowatthour, ang generation charge ngayong Hulyo ay P 0.68 bawat kilowatt hour na mas mababa kaysa singil na P 4.74 noong Hulyo ng 2015. Ang generation charge ngayong Hulyo ay P 0.43 bawat kilowatthour na mas mababa sa average generation charge noong 2015 na umabot sa P 4.49 bawat kilowatthour.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |