|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Epekto ng El Nino, nagpataas sa inflation
TUMAAS ang inflation noong Hunyo at nakarating sa 1.9% mula sa 1.6% noong nakalipas na Mayo sa pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang paninda. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, ang inflation rate na ito ay nasa loob ng forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 1.5 hanggang 2.4% para sa buwan ng Hunyo 2016 at sa median market expectation na 1.9%.
Sa isang pahayag mula sa NEDA, ang pagtaas ng inflation ay dahil sa epekto ng humihinang El Nino at pagtaas na bahagya ng presyo ng petrolyo.
Ipinaliwanag ni Kalihim Pernia na ang inflation trend sa unang anim na buwan ng 2016 ay manageable. Inaasahan itong magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon sa paglawak ng productive capacity ng domestic economy at mababang presyo ng petrolyo.
Ang pagtaas ng presyo sa pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang panggatong ang nagpataas ng inflation sa non-food group at umabot sa 0.9%. Ang inlation noong Hunyo ang gumalaw sa pagtaas ng presyo ng petrolyo para sa taong 2016.
Hindi pa nakakabawi ang presyo ng petrolyo sa daigdig subalit sa pagtaas ng pandaigdigang pangangalingan na dala ng malawakang sunog sa Canada at sa kaguluhan sa Nigeria, ang pinakamalaking maglabas ng petrolyo sa Africa, ang presyo ng petrolyo ay tumaas sa pinakamataaas na antas ngayong 2016.
Tumaas din ang food inflation ng may 3.0% noong Hunyo at ang humihinang El Nino ang nagpataas ng presyo ng gulay at karne. Bumaba ang halaga ng bigas kung ihahambing sa nakalipas na taon ng may -0.5% noong Hunyo ng 2016 subalit tumaas ng may 0.2% mula noong Mayo sa pananalasa ng El Nino sa produksyon ng palay.
Sinabi pa ni G. Pernia na nararapat maghanda ang pamahalaan para sa darating na La Nina samantalang makakabawi pa ang mga magsasaka sa epekto ng El Nino.
Nararapat pag-ibayuhin ang monitoring, kalaagayan ng flood control projects at malinis ang mga padaluyan ng tubig sa pagpapahusay na tin ng agriculture logistics chain sa paggawa ng mas maraming tulay sa magkakahiwalay na pinagsasakahan sa pamilihan na hindi mapakinabangan pagsapit ng tag-ulan.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |