|
||||||||
|
||
Suspendido ang pasok sa pamahalaan at paaralan
Kuha ang larawang ito kaninang umaga sa kahabaan ng Espana Blvd., Sampaloc, Maynila sa kasagsagan ng ulan. Tuloy sa kanyang trabaho ang kawani ng Department of Public Works and Highways. Pagsapit ng katanghaliang-tapat, sinuspinde ng Malacanang ang trabaho sa pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila sa rekomendasyon ng National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC) dulot ng ulang dala ni "Butchoy." (Melo M. Acuna)
WALANG pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at suspendido ang klase sa Metro Manila dahil sa sama ng panahong dulot ng habagat.
Ayon sa isang memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador C. Medialdea, sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at sa patuloy na sama ng panahong dala ng bagyong si "Butchoy", suspendido na ang pasok sa mga tanggapan at klase sa lahat ng antas mula ala-una ng hapon kanina.
Tuloy naman ang trabaho ng mga nasa ahensyang naghahatid ng basic at health services, preparedness at tugon sa sama ng panahon at kalamidad at ipa pang mahahalagang tanggapan.
Ang suspension ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya, tanggapan at paaralan ay na sa poder na ng kani-kanilang mga pinuno.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |