|
||||||||
|
||
Kasapi ng kidnap-for-ransom group, nadakip sa Thailand
NADAKIP ng pinagsanib na tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at Anti-Kidapping Group ang isang Patrick Philip Gutierrez Alemania na kilala sa apngalang Bobby at Patrick, isang kasapi ng Fajardo kidnap-for-ransom-group sa Bangkok, Thailand.
Ayon kay PSr. Supt. Manolo Ozaeta ng PNP AKG, si Alemandia ay nadakip noong madaling araw ng Lunes, Ika-apat ng Hulyo sa tulong na Royal Thai Police INTERPOL, Royal Thai Rom Klao Police, Royal Thai Immigration at Royal Thai Tourist Police patungo sa paaralang kanyang pinagtatrabahuhan sa Rom Klao District sa Bangkok.
Si Alemania ang sinasabing utak ng pagdukot kay Tony Hui Chua noong Nobyembre 23, 2003. Ilan sa kanyang mga kapwa akusado ang nahalutan na ng hukuman at na sa loob na ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Matapos mabatid na mayroon siyang warrant of arrest, tumakas si Alemania patungo sa Thailand noong ika-10 ng Pebrero 2004 at nagtrabaho bilang mang-aawit sanamtalang ang kanyang maybahay ay umawit din sa isang night club. Nag-aral siya ng Thai language upang magkaroon ng student visa. Matapos matuto, nagtrabaho siya bilang isang English teacher sa Language institute. Nakatakda siyang dalhin sa Pilipinas bukas.
Ayon kay Police Supt. Rossel Cejas, tagapagsalita ng Police AKG, nakita na naman ang pagtutulungan ng mga tauhan ng pulisya sa Pilipinas at mga pulis ng Thailand.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |