|
||||||||
|
||
160908melo.mp3
|
Pangulong Duterte, pormal na tinanggap ang pamumuno sa ASEAN
NAGTAPOS, ASEAN SUMMIT SA LAOS. Makikita sa larawan ang mga pinuno ng iba't ibang bansa sa timog-silangang Asia at ang dialogue partners sa pagtatapos ng ika-28 at ika-29 na ASEAN Summit sa Vientiane, Laos. Kanina, pormal na tinanggap ni Pangulong Duterte ang pamumuno sa ASEAN 2017, ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng pangrehiyong samahan. (Presidential News Desk)
IPAGPAPATULOY ng Pilipinas ang magandang nasimulan ng Laos at iba pang mga namuno sa Association of Southeast Asian Nations sa pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan, seguridad at kaunlaran samantalang nagkakaisa ang mga bansa sa panig na ito ng daigdig.
Ito ang buod ng talumpati ni Pangulong Rodrido Duterte sa kanyang pormal na pagtanggap ng liderato ng samahan mula kay Laotian Prime Minister Thongloun Sisoulith na nangasiwa sa pangrehiyong samahan ngayong 2016.
Sinabi ni G. Duterte na handa ang Pilipinas na pamunuan ang samahan. Ang mahalaga ay ang pagkakaisa at pagtulong ng lahat ng bansa sa rehiyon at mga kinikilalang dialogue partner.
Ikinagalak ni G. Duterte na napapanahon sa pamumuno ng Pilipinas ang ika-50 anibersaryo ng samahan.
Hindi nakadalo si Pangulong Duterte sa ASEAN summit with India at sa ASEAN Summit with the United States dahilan sa sumama ang kanyang pakiramdam.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |