Isyu hinggil sa Scarborough Shoal, niliwanag ng Embahada ng Tsina
NILIWANAG ng Embahada ng Tsina sa Maynila ang lumabas na balita kahapon na ilang barkong Tsino ang nakita sa paligid ng Scarborough Shoal at sinabi umano ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpahayag si Chinese Ambassador Zhao Jianhua na ang mga sasakyang dagat ay naglilipat ng buhangin mula sa ibang bahagi patungo sa ibang pook.
Ayon sa pahayag na inilabas kagabi ng embahada na hindi pa nagkikita sina Defense Secretary Lorenzana at Ambassador Zhao. Maaari umanong mali lamang ang pagkakaunawa ng ilang mga mamamahayag.
Idinagdag pa ng Embahada na ang pananatili ng ilang barko ng Chinese Coast Guard ay para lamang sa pagpapatupad ng batas sa Huangyan Dao na kilala rin sa pangalang Scarborough Shoal. Mayroon ding ilang mga barkong pangisdang Tsino sa pook.
Hindi umano nagbabago ang kalagayan ng Scarborough Shoal sapagkat walang anumang dredging o building activities doon. Handa umano ang mga Tsino na makasama ng Pilipinas sa pagpapanatili ng pagtitiwala sa isa't isa at pagsusulong ng magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
1 2 3 4