Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, pormal na tinanggap ang pamumuno sa ASEAN

(GMT+08:00) 2016-09-08 17:45:51       CRI

Bulkang Mayon, nagpaparamdam na naman

ITINAAS ng mga autoridad sa Alert Level 1 ang Bulkang Mayon kaninang umaga matapos kakitaan ng mga senyal na may nagaganap sa ilalim ng lupa.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Renato Solidum, director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na tumaas ang inilalabas nitong sulphur dioxide at nahigitan ang baseline level na 500 tonelada sa bawat araw. May ilang pagkakataong higit sa 1,000 tonelada ang nailabas nito sa bawat araw mula noong Hulyo 2016.

Sa kanilang global positioning system at tilt measurements, nakitang lumulobo at lumalaki ang dalisdis ng bulkan mula noong Hulyo. Sa kanilang precise levelling at electronic distance surveys noong huling linggo ng Agosto ay kinakitaan ng pamamaga ng bulkan. Posibleng nagaganap ito sa paggalaw ng kumukulong putik sa ilalim ng bulkan.

Nagkaroon din ng 146 na lindol na naitala ang Mayon Volcano observatory seismic network mula ikatlo hanggang ikaanim ng Agosto na napuna sa timog-silangang bahagi ng bulkan na may 10 kilometro ang layo. Maaari umanong nagaganap ang paglindol sa pagkabiyak ng mga bato na may kinalaman sa pagkilos ng kumukulong putik sa ilalim ng 2,462 metrong bulkan.

Idinagdag pa ni Dr. Solidum na apat sa binabantayang 14 na balon sa timog-silangang bahagi ng bulkan ay kinatagpuan ng pagbaba ng tubig na inilalabas nito. Isa sa mga balon ang natuyo na. Wala pa namang nagbabagang bato sa bibig ng bulkan.

Sa pagtataas ng Alert Level 1, pinagbabawalan ang laat na pumasok as Permanent Danger Zone na anim na kilometro dahilan sa posibleng pagguho ng mga bato paligid ng bulkan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>