|
||||||||
|
||
American Chamber nababahala sa paraan ng pagsugpo sa droga
NABABAHALA ang American Chamber of Commerce of the Philippines sa mga nagaganap sa bansa na maaaring makasama sa pangmatagalang balak ng mga Americanong maglaan ng mga kalakal sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng mga mangangalakal na kasapi ng American Chamber (of Commerce) kahit matibay ang economic fundamentals at maganda ang potensyal ng bansa, nangangamba ang mga kasapi na mawala ang mga ito sa nagaganap ngayon.
Kahit paisang malubhang panganib ang illegal drugs sa Pilipinas, tulad ng nagaganap sa America at iba pang bahagi ng daigdig, nababahala sila sa dami ng mga napapaslang sa pinag-ibayong kampanya laban sa droga. Nakakasira ito sa imahen ng bansa, tulad ng lumalabas sa international media. Nagtatanong ang ilang investors kung ang kampanyang ito ang nagbabawas sa paghahari ng batas.
Ang maganda umanong relasyon ng America at Pilipinas ay nabahiran ng kakaibang pananalita ng mga pinuno ng Pilipinas. Kahit na may pagtatangkang mabawi ang mga nabanggit, ang mga katagang ito at ang international policy ay maaaring ikabahala ng mga mangangalakal.
Umaasa ang American Chamber na higit na uunlad ang Pilipinas at desididong palakasin ang kalakal, cultural at investment ties. Magaganap ito kung tutulong ang pamahalaan ng Pilipinas at mga mamamayan upang mapag-ibayo ang magandang relasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |