Philippine National Police, magsasagawa na ng check-point
MAGKAKAROON na ng checkpoint ang mga tauhan ng Philippine National Police bilang pagtugon sa kautusan ni PNP Director General Ronald dela Rosa. Makakasama nila ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines ayon sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa "state of emergency."
Sinabi ni Sr. Supt. Dionardo Carlos, hepe ng Public Information Office na bahagi ng programa ang pagpapanatiling ligtas ng mga malalaking lungsod at terrorist activities.
Magugunitang inutusan ni Director General dela Rosa ang lahat ng mga pinuno ng pulisya na makipagtulungan sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa pagpapatupad ng checkpoints sa maghapon at magdamag upang maiwasang maganap ang pagsabog sa Davao City noong ikalawang araw ng Setyembre.
Nanawagan din si G. dela Rosa sa kanyangmga tauhan na sumunod sa alituntunin sa checkpoints tulad ng paglalagay niyo sa maliwanag na pook, makikilala ang mga tauhang nakauniporme Kailangan lamang na bumagal ang mga sasakyan, bawasan ang ilaw ng sasakyan at magbukas ng ilaw sa loob ng sinasakyan. Hindi na kailangan pang lumabas ng sasakyan. Isarado ang lahat ng pinto ng sasakyan sapagkat pagmamasid lamang ang pinapayagan ng alituntunin. Huwag pumayag na kapkapan. Hindi na kailangang buksan ba ang baggage compart
1 2 3 4