|
||||||||
|
||
Budget ng Tanggapan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo, lusot na sa House Committee on Appropriations
TULAD ng inaasahan, tinapos na ng House of Representatives' Committee on Appropriations ang panukalang budget ng Office of the President at Office of the Vice President bilang paggalang sa dalawang nangungunang opisyal ng bansa.
Sinabi ni Congressman Karlo Alexel B. Nograles ng Davao City na ang pagtatapos ng pagdinig sa kongreso ay nag-uugat sa tradisyon subalit hindi pinagbabawalan ang mga mambabatas na magtanong sa plenary deliberations sa budget proposals ng dalawang tanggapan.
Iginagalang ng Kongreso ang Office of the President at Office of the Vice President at bilang pagkilala sa kauna-unahang budget ng kanilang mga tanggapan kaya't walang anumang tanong sa committee hearing.
Pasado ang P 19.99 bilyong budget na inilatag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa loob ng siyam na minuto. Kumakatawan ito sa 607% dagdag mula sa budget ngayong taon na P2.825 bilyon.
Ang pagdinig sa panukalang P428.618 milyong budget ng Office of the Vice President ay natapos sa loob ng higit sa tatlong minuto. Mas mababa umano ito ng 14.28% kaysa budget ngayong taon na P 500 milyon.
Nangako naman si Congressman Edcel C. Lagman na magtatanong siya pagdating sa plenaryo. Sa panig ni Congressman Jose Sarte Salceda, hindi na rin siya magtatanong sa mga kinatawan ng pangulo sa budget hearing.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |