Pagbabawas ng budget ng Department of Tourism ikinabahala
NAGBABAHALA si Senate President Pro-Tempore Franklin M. Drilon sa pagbabaswas bang budget ng Department of Tourism para sa susunod na taon. Ayon sa mambabatas, binawas ang may P 1.2 bilyon ang panukalang budget ng Department of Tourism mula sa P3.62 bilyong ngayong taon at ginawa na lamang na P2.40 bilyon para sa 2017.
Kahit hindi masagot ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo kung kailangan nila ng mas malaking budget, sinabi ni Senador Drilon na dagdagan na ang budget upang higit na matugunan ang sektor ng tourism of sa likod ng mga isyung kinakaharap ng bansa na kinabibilangan ng mga pagpatay ng mga 'di kilalang taong sinasabing sangkot sa illegal drug trade at pambobomba sa Davao City kamakailan.
Ani Senador Drilon, samantalang 'di pa madarama agad ang epekto ng terorismo sa bansa, darating at darating din ang matinding dagok nito. Sa ilalim ng P2.4 bilyong budget, may P 300 milyon lamang ang para sa branding-related programs na mas mababa Ito sa budget ngayon na P1.15 bilyon.
1 2 3 4 5 6