Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Warrant of Arrest laban kay Misuari, babawiin

(GMT+08:00) 2016-09-19 18:39:24       CRI

Pangulong Duterte, tagahanga ni Pangulong Marcos

NABABAHALA si Gng. Raissa Robles na isang masugid na tagahanga ni Pangulong Ferdinand Edralin Marcos si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Isa si Gng. Robles sa mga naging panauhin sa Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.

Nakikita umano sa mga kasabihang maihahalintulad sa "Bagong Lipunan" ni G. Marcos ang "Change is coming" ni Pangulong Duterte. Ang mga sinabi niyang siya ang mananagot basta't maayos lamang ang takbo ng bansa ay kahalintulad na rin ng mga pinagsasabi ni Marcos noon.

Nangangamba rin si Gng. Robles na baka hindi magtagal ay gamitin na ang kalagayan ng bansa upang magdeklara ng Martial Law lalo pa't may mga pahayag na magulo ang bansa sapagkat malawak ang nasasaklaw ng sindikato ng droga.

AKLAT MAGBIBIGAY NG MALIWANAG NA LARAWAN.  Sinabi ni Gng. Raissa Robles, may akda ng Marcos Martial Law: Never Again na sa pamamagitan ng pananaliksik at mga panayam, nabuo niya ang aklat upangmabatid ng mga susunod na saling-lahi ang mga naganap noong panahon ng Martial Law.  Na sa gawing kanan si Danilo dela Fuente, isang biktima ng torture at na sa kaliwa naman si dating Congressman SAtur Ocampo.  (Melo M. Acuna)

Si Gng. Robles ang may akda ng aklat na Marcos Martial Law: Never Again na inilunsad kamakailan. Noon pa mang Martial Law days ay nangalap na siya ng mga impormasyon at datos mula sa mga pahayag, mga talumpati at mga aklat ng mga principal character sa pamahalaan at maging sa non-government organization.

Iisa lamang umano sa kanyang nakapanayam ang nagsabing mayroon ngang pagpapahirap sa mga nadadakip subalit itinaggi ng taong ito na mayroong mga panghahalay sa mga kababaihan.

Hindi biro ang naranasan ng kanyang mga nakapanayam. Ani Gng. Robles, ang unang nakapanayam niya para sa aklat ay si G. Satur Ocampo na dumanas din ng ibayong pahirap.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>