|
||||||||
|
||
Edukasyon, mahalaga ang papel sa Kasaysayan
SINABI naman ni Associate Dean Wensley Reyes ng Philippine Normal University na kailangang dagdagan pa ang oras para sa History sa curriculum ng mga mag-aaral. Napuna ni Prof. Reyes na nakatuon lamang ang pag-aaral ngayon sa larangan ng Mathematics, Sciences at English at nawaglit na ang History na sana'y maging kadluan ng kamulatan ng mga mag-aaral.
Sa panig naman ni G. Louie Montemar ng De La Salle University, malaki ang naging pinsala ng mga aklat na nilimbag noong Martial Law sapagkat ito ngayon ang kaisipan ng mga umaabot na sa 50 taong gulang.
Hindi rin masisisi ang mga millenial sapagkat walang ibang babalikang mga aklat at kung mayroon man ay 'di napapag-usapan sa loob ng paaralan.
Nagkaisa sina Prof. Reyes at G. Montemar na kailangang magkaroon ng pagbabago sa approach sa pagtuturo ng Kasaysayan upang higit na maging kaiga-igaya at makabuluhan para sa mga kabataan.
Ito rin ang paninindigan ni Roneo Clamar ng Karapatan, isang non-government organization na nakatuon sa pagtulong sa mga biktima ng karahasan noong Martial Law hanggang sa kasalukuyan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |