|
||||||||
|
||
Pulisya, masisiyasat sa pangyayari kahapon
MAHAHARAP sa ibayong pagsisiyasat ang mga tauhan ng Manila Police District sa madugong pagbuwag sa mga nagprotesta sa harap ng Embahada ng Estados Unidos kahapon.
Inamin ng Philippine National Police na hindi makatarungan at wala sa rason ang naganap na dispersal operations laban sa mga katutubo at mga aktibistang galit sa Estados Unidos.
Kasabay din ito ng pahayag na ipinagtanggol lamang ng mga pulis ang kanilang sarili mula sa magugulong nagprotesta. Sa isang press conference kanina sa Campo Crame, sinabi ni PNP Deputy Chief for Operations Police Benjamin Magalong na ang ginawa ni PO3 Franklin Kho, ang tsuper ng police van na nanagasa ng ilang nagprotesta at ang pananakit ng mga pulis sa isang tsuper ng jeepney ay hindi makatarungan.
Ani General Magalong, walang dahilan ang ginawa ni PO3 Kho. Walang sapat na dahilan upang managasa ng mga nagpoprotesta. Wala ring dahilan upang saktan at dakpin ang tsuper ng jeepney na sinakyan ng mga nagrally.
May pagkukulang ang pulisya ayon sa bahagi ng video na nakita ng marami, dagdag pa ni General Magalong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |