|
||||||||
|
||
Bagyong "Lawin" nagdulot ng pinsala
HINDI mawari ng mga nawalan ng tahanan at pananim ang kanilang sinapit sa pagdaan ng bagyong "Lawin" o "Haima" na tumama sa hilagang Luzon kagabi hanggang kaninang umaga.
Maraming nawalan ng tahanan, nasirang power at communication lines. Wala kaagad na nabalitang nasawi maliban sa isang inatake sa puso sa isang evacuation center.
Sa pangambang mapipinsala ang malawak na pook sa pagtataas ng Signal No. 5 na may hangging 225 kilometro bawat oras, maraming mga tanggapan at paaralan ang isinara sa Luzon samantalang may mga biyahe ng eroplanong hindi natuloy.
Humina na si "Lawin" kaya't inalis na ang ilang storm signals sa ilang bahagi ng Luzon. Lumabas ang bagyo patungo sa karagatan matapos dumaan sa Ilocos Norte at papalayo na sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi.
Ayon sa media reports, sinabi ni Isabela Governor Faustino Dy III na baha pa rin ang kanilang mga ilog kaya't kailangan pa ang ibayong pag-iingat.
Sinabi naman ni Mina Marasigan ng NDRRMC na wala pang nababalitang nasawi dahil sa bagyo. May mga gusaling nawalan ng bubong, dagdag pa niya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |