|
||||||||
|
||
Pagbabalik ng kuryente, prayoridad
INUTUSAN ni Energy Secretary Alfonso G. Cusi ang lahat ng mga ahensya na alamin ang kalagayan ng mga pook na dinaanan ng mga bagyong "Karen" at "Lawin" at gawan ng paraan upang maibalik ang serbisyo ng kuryente sa madaling panahon.
Sa pagtama ng bagyong "Lawin" kagabi sa Cagayan, sinabi niCusi na kailangan pa rin ang paghahanda sa mga sama ng panahon at pagtugon sa anumang emergency sa power sector upang mabawasan ang epekto ng super typhoon.
Kailangang maibalita at maiparating sa kinauukulan ang mga impormasyong kailangan tulad ng nabaling mga poste, naputol na kable at iba pang problema ng power supply facilities.
Nararapat ding mag-charge ng flashlights at mobile phones, makabatid ng pinakahuling balita sa panahon, pagsasara ng circuit breakers at iba pang electrical systems upang maiwasan ang pagkakakuryente at pagkatapos ng bagyo ay alamin muna ang kalagayan ng mga sirkita upang maiwasan ang short circuits.
Nabatid na walang kuryente kaninang umaga sa mga lalawigan ng La Union, Isabela, Cagayan, Abra, Benguet, Mountain Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Ifugao, Nueva Vizcaya at Quirino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |