|
||||||||
|
||
May sapat na bigas sa mga binagyong pook
TINIYAK ni Tomas R. Escarez, officer-in-charge ng National Food Authority na may sapat na bigas na nakaimbak sa mga bodega sa buong bansa upang tumugon sa mga pangangailangan ng madla.
Idinagdag pa ni G. Escarez na may koordinasyon na sila sa Department of Social Welfare and Development, Regional and Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, mga pamahalaang lokal, Philippine Red Cross at iba pa.
Handa ang NFA na maglabas ng bigas sa mga nangangailangang mga ahensya. May ipinatutupad na kasunduan ang NFA sa mga relief agencies upang makakuha sila ng bigas sa NFA sa oras ng kagipitan.
Tumama ang malakas na bagyo sa katimugang bahagi ng Cagayan kanina. Pinakilos na rin ang mga tauhan sa pagmomonitor ng mga pangangailangan ng mamamayan. Mayroon silang Operations Center na may mga tao at opisyal upang tumulong sa mga biktima ng bagyo.
Binabantayan din nila ang galaw ng presyo ng mga bilihin upang maiwasan ang biglaang pagtaas ng presyo sa pamilihan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |