Koponan, ipadadala sa Erbil, Iraq
INUTUSAN ni Foreign Affairs Secretary Perfecto R. Yasay, Jr. ang kanyang mga tauhan na maghandang magpadala ng Rapid Response Team sa Erbil, Kurdistan upang tulungan ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad na magbantay at maghanda para sa madaliang paglilikas ng mga mamamayan mula sa sumisidhing labanan sa Mosul na iilang kilometro lamang ang layo sa Erbil.
Kahit hindi pa nangangailangan ng dagliang paglilikas, minabuti ni Secretary Yasay na maghanda upang matiyak na handa ang pamahalaang Filipinong mailigtas ang mga manggagawang Filipino sa posibleng kapahamakan.
Inutusan niya si Undersecretary for Migrant Workers Affairs Jesus I. Yabes na magpadala ng RRT sa Kurdistan at alamin ang situwasyons a Mosul, maglabas ng advisories at alerts. Kailangan din silang makipagbalitaan sa mga Filipino sa pook.
Kasama sa inutusang maghanda ang mga Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, Ankara sa Turkey at Tehran sa Iran sa oras na makarating sa mga hangganan ng kani-kanilang bansa ang mga Filipinong lilikas mula sa Kurdistan.
1 2 3 4 5 6