|
||||||||
|
||
Isang milyong pisong pabuya, inialok sa pagkakadakip kay Dayan
NAG-ALOK ang Volunteers Against Crime and Corruption ng pabuyang isang milyong piso sa pagkakadakip sa dating tsuper at alalay ni Justice Secretary Leila de Lima na kinilala sa pangalang Ronnie Dayan.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio na may pabuyang isang milyong piso sa pagkakadakip kay Dayan na nahaharap sa isang warrant of arrest mula sa House of Representatives sa hindi pagsipot sa pagdinig ng Committee on Justice kahit mayroong subpoena.
Akusado si Dayan ng pagtanggap ng salapi mula sa mga sindikato ng droga upang madagdagan ang salaping pangampanya ni Secretary de Lima.
Kasamang dumalo sa press conference si Dante Jimenez, nagtatag ng VACC.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |