|
||||||||
|
||
Dating Pangulong Ramos, 'di natuwa sa pagkawala ni Pangulong Duterte sa mga pagtitipon sa APEC
ISANG malaking pagkukulang sa panig ni Pangulong Duterte ang hindi pagsipot sa gala dinner na inihanda ng pangulo ng Peru at sa pagkuha ng larawan ng mga pinuno ng APEC economies.
Sa isang press conference sa kanyang tanggapan sa Makati City, sinabi ni G. Ramos na hindi dahilan ang masamang pakiramdam sa hindi pagsipot sa mga okasyon.
Ani G. Ramos, kahit masama ang pakiramdam kailangang dumalo sa mga pagtitipon. May duktor na kasama ang koponan ng pangulo saan man at mayroon ding duktor sa Lima, Peru.
Binanggit ni G. Duterte na jet lag ang dahilan ng hindi niya pagdalo sa pagtitipon subalit sinabi ni G. Ramos na sana man lamang ay sumama sa group photo sapagkat kinakatawan siya ng mga milyun-milyong mga Filipino.
Isa umanong insulto para kay Peruvian President Pablo Kuczynski ang nangyari. Pagkakataon din sanang pag-usapan nina G. Duterte at Pangulong Barack Obama ang foreign policy at mga isyung may kinalaman sa pagpasok ni Pangulong Donald Trump sa Enero.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |