|
||||||||
|
||
Bukod pa riyan, ang Jinjiang, ay ang lugar kung saan nagmula ang mga angkan ng karamihan sa mga Pilipinong may dugong Tsino, na gaya ng mga Filipino-Chinese business tycoon na sina Henry Sy, Andrew Chan, Lucio Tan, Tony Tan Caktiong, Carlos Chan, Lucio at Susan Co, at Emilio Yap.
Kaya naman, napakalaki ang papel na ginagampanan ng lugar na ito sa pag-unlad ng relasyon at pagpapalitan ng Pilipinas at Tsina nitong ilang daang taon nakalipas.
Bahay Tsinoy
Bagamat naninirahan at namumuhay na sa Pilipnas, hindi pa rin nakakaligtaan ng mga Tsinoy ang lugar na pinanggalingan, at ipinagpapatuloy pa rin nila ang ugnayan sa Jinjiang, maging sa panahon ngayon.
Sa maraming lugar sa Jinjiang, makikita ang mga kontribusyon ng mga Tsinoy. Nariyan ang mga pilantropikong gawain, donasyon, paglalagak ng negosyo, at siyempre mga bahay.
Bahay Tsinoy
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |