|
||||||||
|
||
Kamakailan ay nagkaroon po tayo ng pagkakataon na makapasyal sa County-level City ng Jinjiang, Probinsyang Fujian, sa dakong Timog Silangan ng Tsina. At talaga namang napakarami ng aking nasaksihan at natutunan sa biyaheng ito, tulad ng; alam ba ninyo na ang great great grandfather sa pamilya ng ama ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal (Pepe) ay isang Tsino?
Si Domingo Lamco, o Ke Yi Nan sa Wikang Tsino ay ang great great grandfather ni Pepe sa kanyang ama, at siya ay nagmula sa Shang Guo Village ng County-Level City ng Jinjiang, Probinsyang Fujian, sa dakong timog silangan ng Tsina.
Dahil sa kabayanihan at dakilang sakripisyo ni Pepe upang mapalaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga mapang-alipustang Kastila, si Pepe ay ipinagmamalaki ng mga Tsino, saan mang dako ng mundo dahil ang kanyang ninuno ay nanggaling sa Tsina.
Sa pagtutulungan ng mga pamahalaan ng Pilipinas at Tsina, ipinatayo noong 2003 ang monumento ni Pepe sa lupang tinibuan ng kanyang ninuno, Shang Guo Village, Jinjiang, Probinsyang Fujian, Tsina.
Ang monumentong ito ay isang dakila, di-matitinag at maningning na simbolo ng di-mapaghihiwalay na pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.
Inskripsyon sa bantayog ni Pepe sa Jinjiang
Bantayog ni Pepe
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |