Abogado ni Senador de Lima, nagulat sa pagpapadali ng arrest warrant
NABAGABAG naman at nagulat si Atty. Alex Padilla, abogado ni Senador de Lima sa desisyon ng hukuman sa Muntinlupa na maglabas ng warrant of arrest sapagkat mayroon pa silang motion to dismiss sa hukuman.
Nakakatawa ang pangyayari ayon kay Atty. Padilla sapagkat hindi itinuloy ang pagdinig na katakda bukas at inaasahan niyang magdedesisyon ang hukuman sa kanilang mosyon bago maglabas ng arrest warrant.
Ayon kay Senador de Lima, politika ang dahilan sa usaping ito dahil sa kanyang pagpuna kay Pangulong Duterte sa pagkasawi ng mga pinaghihinalaang sangkot sa droga. Ani Senador de Lima, tanging ang Office of the Ombdusman ang may hurisdiksyon sa usapin sapagkat isang halal ng bayan.
Kahit umano ang taga-usig ay humihingi ng isang linggong postponement hanggang sa susunod na Biyernes. Minamadali umano ng hukuman ang usapin na hindi pa naririnig ang magkabilang panig.
1 2 3 4 5