Pagdalaw ng Chinese Minister of Commerce, 'di matutuloy
WALANG kinalaman ang mga pahayag ni Secretary Perfecto Yasay sa pagdinig ng Commission on Appointments kahapon sa desisyon ng Tsina na huwag munang ituloy ang nakatakdang pagdalaw bukas.
Ito ang sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Nailipat ang takdang petsa mula bukas at nakatakdang gawin sa unang linggo na Marso.
Niliwanag ni Secretary Lopez ang isyu matapos ilabas ng Reuters ang balita sa dagliang desisyon na hindi ituloy ang pagdalaw upang lumagda sa may 40 proyekto na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong dolyar.
Wala pang lumalabas na pahayag mula sa Embahada ng Tsina sa Pilipinas hinggil sa postponement.
1 2 3 4 5