Australian Foreign Minister Bishop, magsasalita sa isang pagtitipon
DARATING si Australian Foreign Minister Julie Bishop sa Maynila at magsasalita sa isang pagtitipong itinataguyod ng Albert Del Rosarion Institute for Strategic and International Studies sa darating na Huwebes, ika-16 ng Marso.
Ayon kay Dindo Danao, senior adviser for media affairs ng ADR Institute for Strategic and International Studies, magaganap ito sa isang pananghalian sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel sa Makati City.
Magsasalita si Foreign Minister Bishop sa paksang Change and Uncertainty in the Indo-Pacific-Strategic Challenges and Opportunities for Australia and the Philippines.
1 2 3 4 5