|
||||||||
|
||
National ID, isa pa ring kontrobersya
NANINIWALA ang mga kinatawan ng iba't ibang non-government organizations at party-list na Anakpawis na kaduda-duda ang posibleng maging laman ng mga panukalang batas sa pagtatatag ng National Identification System sa bansa. Ito ang mga pahayag sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga hinggil sa National Information System at sa epekto nito sa ekonomiya at seguridad ng bansa.
Sinabi ni Congressman Ariel Casilao na hindi pa nga naaayos ng iba't ibang ahensya ang kanilang mga mahahalagang impormasyon ay magkakaroon na naman ng pinag-isang identification system. Nagdududa siyang walang patutunguhang mabuti ang hakbang na ito.
Para kay Marlea Munez ng WISE, isang Non-Government Organization na sangkot sa iba't ibang sangay ng lipunan, makabubuting ipakita ng pamahalaan ang kabutihang makakamtan sa pagkakaroon ng iisang ID system. Ani Bb. Munez, aabot sa 15 ang kanyang mga identification cards kaya't tama na ang mga ito kaysa pag-isahin na lamang sa programa ng gobyerno.
Ipinaliwanag naman ni dating Security Adviser Secretary Roilo Golez na sapat na sa kanya ang mabatid ang tunay na pangalan at petsa ng kapanganakan na makasama sa national ID.
Nangangamba si 1 – Ang Edukasyon Party List Congressman Salvador B. Belaro, Jr. na hindi siya basta sasang-ayon sa mga panukalang batas sa National Identification system hanggang hindi niya nababasa ang detalyes ng mga mungkahi ng iba't ibang kongresista at senador.
Ayon kay Atty. Rocel Camat ng Philippine Statistics Authority, garantisado ang datos na hawak ng kanilang tanggapan. Ito ang kanyang sinabi sa likod ng mga balitang napasok ng hackers ang iba't ibang website ng pamahalaan tulad ng Commission on Elections.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |