Kolumnista sa Masbate, binaril, patay
BINARIL at napatay kaninang umaga sa Milagros, Masbate si Joaquin Briones, isang kolumnista sa isang maliit na pahayagan sa lalawigan. Binaril ang biktima kaninang umaga sa Sitio Feeder Road, Barangay Bacolod, Milagros, Masbate.
Ayon kay Sr. Supt. Froilan Elopre, provincial police director, malaki ang posibilidad na may kinalaman sa kanyang trabaho ang pamamaril. Sinisiyasat pa ang detalyes ng insidente at kinikilala ang may kagagawan at motibo ng pamamaril. Ikalawang mamamahayag si Briones na napaslang sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Noong ika-20 ng Disyembre, binaril naman ang isang newspaper publisher na kinilala sa pangalang Larry Que samantalang papasok sa kanyang tanggapan sa Virac, Catanduanes. Pumanaw ang biktima isang araw matapos isugod sa pagamutan.
1 2 3 4 5