![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
20170316melo.m4a
|
Australia, nagmamasid sa nagaganap sa South China Sea
AUSTRALIA, NAGMAMASID. Sinabi ni Australian Foreign Minister Julie Bishop na hindi kasama ang kanyang bansa sa claimants sa mga pulo at bahagi ng South China Sea subalit nais nilang pahalagahan ng mga bansa ang payapang paglutas sa mga 'di pagkakaunawaan. Ito ang bahagi ng kanyang talumpati sa harap ang Albert del Rosario Institute sa Manila Peninsula kanina. Kuha ang larawan bago nagsimula ang palatuntunan. Katabi niya si dating Foreign Secretary Albert del Rosario. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Australian Foreign Minister Julie Bishop na bagama't hindi kabilang ang kanyang bansa sa claimants sa mga pulo at bahagi ng South China Sea, nagmamasid sila at nagpapahalaga sa payapang paraan ng paglutas sa mga 'di pagkakaunawaan sa payapang paraan.
Sa kanyang pagtugon sa tanong matapos ang kanyang talumpati sa harap ng Albert Del Rosario Institute, sinabi ni Foreign Minister Bishop na mahalaga umanong magkaroon ng iisang tinig ang Association of Southeast Asian Nations at makipagtulungan sa Tsina sa pagbuo ng Code of Conduct of Parties in the South China Sea. Mahalaga ring kilalanin ng lahat ang mga itinatadhana ng pandaigdigang batas at kasunduan sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa bahaging ito ng daigdig.
Mahalaga rin ang pagkakaroon ng malayang paglalayag sa karagatan upang magpatuloy ang kalakal sa pagitan ng iba't ibang bansa. Pinahahalagahan din nila ang "Freedom of Navigation" upang higit na lumago ang ekonomiya sa bahaging ito ng daigdig.
Ang tatlong nangungunang superpower ay matatagpuan sa Asia Pacific at ayon kay Foreign Minister Bishop, ang mga ito ay ang Estados Unidos, Tsina at Japan subalit hindi magtatagal ay makalalahok na rin ang India at magiging pang-apat na superpower sapagkat isa sa pinakamatao at umuunlad na bansa sa daigdig.
Sa larangan ng seguridad, nababahala rin ang Australia sa paglaki ng bantang dulot ng ISIS hindi lamang sa Middle East kungdi sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Mula pa ng magdeklara ng kanilang caliphate ang mga kasapi ng ISIS sa Gitnang Silangan noong 2014, naghanda na ang Australia.
Sinabi niyang nakikipagtulungan sila sa Indonesia at alertado ang kanilang mga autoridad sa panganib na maaaring idulot ng mga armadong tauhan ng ISIS. Mayroon na umanong 160 mga Australianong nakikidigma sa ngalan ng ISIS sa Middle East. May pagtataya ang iba pang sector na posibleng umabot ang mga Australiano sa ISIS sa bilang na 500.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |