![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Mga dinakip sa Malaysia, inaalam pa kung tunay na mga Filipino
PAGKATAO NG MGA DINAKIP SA MALAYSIA, INAALAM PA. Sinabi ni Acting Foreign Secretary Enrique Manalo na inaalam pa ng Embahada ng Pilipinas sa Kula Lumpur ang pagkatao ng mga nadakip kamakailan sa paghihinalang sangkot sa ISIS. Sala umanong mga pasaporte ng Pilipinas ang mga nadakip. Ito ang una niyang pagharap sa mga mamamahayag mula ng mahirang na pansalamantalang foreign secretary. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Acting Foreign Secretary Enrique Manalo na inaalam pa ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur kung ano ang pagkatao ng mga nadanakip kamakailan sa paghihinalang sangkot sa mga terorista.
Ipinaliwanag ni G. Manalo na walang hawak na mga pasaporte ng Pilipinas ang mga nadakip noong masabat ng mga alagad ng batas. Magugunitang pito katao na kinabibilangan ng pinaniniwalaang mga Filipino ang nadakip sa kahina-hinalang pagkilos at pangangalap ng salapi para sa mga kasapi ng Islamic State.
Magiging obligasyon ito ni Asst. Secretary Charles Jose na manunungkulan bilang Ambassador ng Pilipinas sa Malaysia.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |