Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Australia, nagmamasid sa nagaganap sa South China Sea

(GMT+08:00) 2017-03-18 18:04:10       CRI

Isyu ng Benham Rise, niliwanag ng isang propesor

KAILANGANG magkaroon ng ibayong pagkilos ang pamahalaan upang mangyari at magkatotoo ang transparency at mapaganda ang pagpapalitan ng impormasyon ng pamahalaan at mamamayan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Prof. Jay Batongbacal ng UP Institute of Maritime Affairs, kahapon pa ay dinagsa na siya ng mga tanong hinggil sa pahayag ni Pangulong Duterte sa Benham Rise ay maituturing na paglabag sa Saligang Batas at naglabas ng kani-kanilang opinsyon at mga dokumento ang iba't ibang tao mula sa lipunang Filipino.

Niliwanag ni Prof. Batongbacal na walang kasunduang nalagdaan si Pangulong Duterte sa Tsina sa pagpapatupad ng exploration sa nasasakupang karagatan ng Pilipinas. Ang pinakahuhulugan ni Pangulong Duterte ay ang kasunduan na pumapayag sa paglalakbay sa mga karagatan ng bansa ng mga barkong Tsino patungo sa Pacific Ocean. Ito ang pahintulot na hiningi ng Tsina sa pagsasagawa ng mga nakalipas na exploratory missions. Nagkaroon ng mga palitan ng mga pahayag sa isyung ito.

Ang nabalitang pagkilos ng Chinese survey ship ay hindi naganap sa Benham Rise kungdi sa kapaligiran nito at nasa labas ng Exclusive Economic Zone at continental shelf. Dumaan lamang ang sasakyang dagat sa Benham Rise sa paglalakbay sa Pacific Ocean. Ang kaisa-isang pagkakataong pumasok ang barko sa nasasakupan ng Pilipinas ay ng dumaong sa Surigao upang ibaba ang isang tripulante. Nagkaroon din ng sakuna noon kaya't 'di na umandar ang makina kaya't natangay na lamang ng alon sa karagatan.

Kailangan lamang na bigyang pansin ang nagaganap sa karagatan at sa mga problemang kinakaharap nito. Kailangang mapaunlad ang komunikasyon sa mga ahensya ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Higit na mahalagang pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa karagatan sa nasasakop ng bansa at sa lawak ng pag-aari ng Pilipinas. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang kaguluhan at mga agam-agam, dagdag pa ni Prof. Batongbacal ng UP Maritime Studies.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>