|
||||||||
|
||
Mga kawal, sugatan sa mga sagupaang kinatampukan ng Abu Sayyaf
MGA SUGATANG KAWAL, DINALAW NI MGENERAL GALVEZ. Dumalaw at nakipag-usap sa mga sugatang kawal si AFP Western Mindanao Command General Carlito Galvez sa pagamutan ng militar sa Zamboanga City. Tuloy pa rin ang kampanya laban sa mga rebelde at bandido sa Sulu hanggang sa manalaya ang mga bihag ng pulis at Kawa.
APAT na kawal ang nasugatan sa sagupaang naganap kahapon sa Talipao, Sulu matapos tumugon sa impormasyong kasama ng mga Abu Sayyaf ang mga magdaragat na Vietnames.
May 28 iba pa ang nagpapagaling sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital sa Busbus, Jolo, Sulu.
Dinala ng mga helicopter ang apat na malubhang nasugatang kawal sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.
Nabawi ng mga kawal ang bangkay ng isang pinaniniwalaang kasapi ng Abu Sayyaf. Dalawang armalite rifles ang nasa kamay na ng pamahalaan ngayon. May koordinasyon na rin ang mga kawal ang hukbong katihan at hukbong himpapawid kaya't higit na madali na ang kanilang operasyon.
Sinabi ni Major General Carlito Galvez, commanding general ng AFP Western Mindanao Command na tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga armadong grupo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |