Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Department of Foreign Affairs, naghihintay ng balita mula sa mga embahada sa South America

(GMT+08:00) 2017-04-03 18:14:01       CRI

Ligtas ang paglalakbay sa Pilipinas

LIGTAS MAGLAKBAY. Ito ang sinabi ni Coast Guard Capt. Rodolfo Villajuan, (dulong kaliwa) na may sapat silang mga tauhang nagbabantay sa mga daungan. May kasama pang mga asong naghahanap ng mga bomba at iba pang kemikal sa mga kargamento sa mga daungan. Na sa larawan din si Atty. Wyrlou Samodio, legal officer ng Civil Aeronautics Board (gitna) at Carlos Yturzaeta, (dulong kanan) sang dalubhasa sa lårångan ng insurance. (Melo M. Acuna)

BUKOD sa paghahanda ng iba't ibang kumpanya ng mga sasakyan sa pagdagsa ng mga sasakay sa eroplano, barko at bus, naghanda rin ang pamahalaan sa kanilang gagawing mga inspeksyon sa mga paliparan, daungan at himpilan ng bus sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Atty. Wyrlou Samodio, pinuno ng Legal Division ng Civil Aeronautics Board na nakatutugon sa maintenance schedule ang mga eroplanong naglalakbay mula sa Maynila patungo sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Sa Ninoy Aquino International Airpot, umaabot sa 40 mga eroplano ang umaalis at dumarating sa bawat oras. Ganito rin halos ang bilang ng mga eroplanong dumarating at umaalis sa Cebu International Airport.

Sa panig ni Coast Guard Captain Rodolfo Villajuan, nakatitiyak ang publiko na walang overloading sa mga sasakyang-dagat sapagkat mayroong pagbibilang ng mga pasahero bago umalis ang mga barko. Bukod sa inspeksyon ng kanilang mga tauhan, mayroon silang mga asong ginagamit sa baggage screening. Hindi nila kailanman papayagang maglakbay ang mga punong-punong sasakyang-dagat.

Para kay G. Joel Bolano ng Land Transport and Franchising Regulatory Board, ang lahat ng mga sasakyang may terminal ay may sapat na pahintulot na magsakay ng mga pasahero. Regular din ang kanilang inspeksyon sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ipinaliwanag naman ni Von Ryan Ong ng Philippine Red Cross na mayroong sapat na supply ng dugo sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ang mga dugong ito ay mula sa mga mamamayang nag-ambag sa pamamagitan ng mga paaralan at mga kumpanyang mayroong espesyal na corporate social responsibility.

Niliwanag ni G. Ong na tumatagal lamang ang dugo ng anim na oras mula sa blood bank patungo sa mga pagamutan na paggagamitan nito.

Ang lahat ng mga sasakyan ay mayroong seguro o insurance. Ayon kay Carlos Yturzaeta, isang lecturer ng Insurance Institute, makatitiyak ang mga sumasakay sa eroplano at barko na mayroong insurance cover ang mga pasahero. Hamak na mataas ang seguro sa mga sasakyang ito kaysa mga bus.

Ang eroplano pa rin ang pinakaligtas na sasakyan, dagdag naman ni Atty. Samodio. Hindi nga lamang maiiwasan ang pagkabalam ng eroplano sapagkat posibleng may koneksyon ito sa panahon, sa kalagayan ng eroplano at pagkabalam ng mga eroplano sa pagbalik sa kanilang paliparang pinagmulan sapagkat may mga eroplanong nagbibiyahe ng ilang ulit sa loob ng magdamag.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>