Pilipinas, makabibili ng bigas sa oras ng kagipitan
NAKATITIYAK ang Pilipinas at iba pang kasaping bansa sa Association of Southeast Asian Nations na makabibili ng bigas mula sa ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve sa oras ng kagipitan.
Ayon kay NFA Administrator Jason Laureano Aquino na namuno sa delegasyon ng Pilipinas sa pulong ng APTERR sa Bangkok, isang kasunduan ang nakamtan na ipatupad ang Tier 1 program na papaya na magkaroon ng bentahan ng bigas sa pagitan ng mga kasaping bansa na kilala sa pangalang emergency rice reserse sa oras ng mga kalamidad at mahigpit na pangangailangan.
Kasama sa kasunduan ang mga bansang Japan, Tsina at South Korea. Mayroong 787,000 metriko toneladang rice reserve. Ang Tier 1 ay sa pamamagitan ng bentahan, ang Tier 2 ay sa pamamagitan ng emergency grants at loans at Tier 3 ang paghahatid ng donated rice sa oras ng mahigpit na pangangailangan.
1 2 3 4 5