Pangulong Duterte, pursigidong ibalik ang kapayapaan sa bansa
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin ang lahat ng magagawa ng pamahalaan upang makabalik ang kapayapaan sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.
Sa isang pahayag na inilabas ng Malacanang kanina, sa ginawang pagdalaw sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro City, ang pakikipag-usap ni G. Duterte sa sampung kawal na nasugatan sa mga sagupaang naganap sa pagitan ng kawal ng pamahalaan at mga rebelde, sinabi niyang kailangang makiisa ang mga rebelde sa kanyang layunin sa pamamagitan ng pagtigil ng pangungulekta ng buwis sa mga kumpanyang lokal at banyaga, pagpapalaya sa kanilang mga binihag na kinabibilangan ng mga pulis, kawal at mga karaniwang mamamamayan.
Bukod sa kanyang pagbibigay ng salapi sa mga sugatan, ginawaran niya ng mga medalya ang mga nasugatang kawal.
1 2 3 4 5