Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Finance ministers ng ASEAN, magsama-sama sa Cebu

(GMT+08:00) 2017-04-05 17:42:15       CRI

Kaguluhan inaasahan sa pagbibigay ng tahanan sa mahihirap

DALAWANG senador ang nangangambang mauuwi sa kaguluhan ang desisyon ni Pangulong Duterte na ibigay sa mga maralitang taga-lungsod na kabilang sa Kadamay ang mga tahanang nakalaan para sa mga pulis at kawal.

Ayon kay Senador Richard Gordon, kasama sa senate majority bloc, nalungkot siya sa desisyon na maaaring maglagay sa pangulo sa isang bitag.

Maaaring mahirap ang mga kasapi ng Kadamay subalit wala ito sa kaayusang pasukin nila ang pag-aari ng iba. Malubha na ang problemang dulot ng mga maralitang taga-lungsod. Nakikita na ang kawalan ng paggalang sa batas, dagdag pa ng senador.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng Philippine Army ng kanilang ika-120 taong anibersaryo, sinabi niyang ipagkakaloob na lamang niya ang mga tahanan sa mga mahihirap kasabay ng pangakong magkakaroon ng mas magandang tahanan para sa mga pulis at kawal na siyang nararapat tumanggap ng mga tahanan.

Ang desisyong huwag nang galawin ang mga pumasok na mga mahihirap sapagkat nanglalaban ay hindi magandang pangitain. Bagama't ipinagpasalamat ni Senador Gordon ang pagpapagawa ng mga bagong tahanan para sa mga kawal at pulis, mababaw ang rasong ginamit ng pangulo na huwag nang galawin ang mga maralitang taga-lungsod sapagkat nanlalaban sila.

Para kay Senador Panfilo Lacson, isa ring kabilang sa majority bloc, ang pagpapahintulot sa mga kasapi ng Kadamay sa mga tahanang hindi nakalaan para sa kanila ay paanyaya sa kawalan ng paggalang sa batas.

Kailangang maging maayos ang pagkakaloob ng mga tahanan sa mahihirap. Nangangamba si Senador Lacson na mauulit pa ito sa ibang pook at kung hindi mapipigil, isang malaking problema itong kahaharapin ng pamahalaan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>