Pansamantalang Kalihim ng DILG, hinirang
HINIRANG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating chief of police ng Davao City, si Undersecretary Catalino S. Cuy, bilang officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government, kapalit ng sinibak na kalihim, si Ismael Sueno.
Nagmula sa Malacanang ang balita sa pamamagitan ng pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella kanina.
Naglilingkod si Undersecretary Cuy bilang Undersecretary for Peace and Order. Mananatili sa kanyang posisyon si G. Cuy upang matiyak na magpapatuloy ang gawain ng Department of Interior and Local Government, dagdag pa ni G. Abella.
1 2 3 4