Pilipinas, handa para sa 150 mga Tsinong mangangalakal
SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na magdadala ang Bank of China ng may 150 investors sa Pilipinas.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Abella na inaasahang makakasama ang mga investor sa ASEAN Finance Ministers' Investors Seminar sa Cebu na magsisimula bukas.
Maglalaan din ang Bank of China sa Philippine Chamber of Commerce and Industry ng P 3 bilyon upang tulungan ang mga kwalipikadong micro, small at medium enterprise beneficiaries.
1 2 3 4