|
||||||||
|
||
LAYUNIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng mas malalim at makabuluhang relasyon sa mga bansang kanyang dadalawin mula ngayon hanggang sa susunod na ilang araw.
Sa kanyang talumpati sa Davao International Airport, sinabi ni G. Duterte nan a sa Gitnang Silangan ang pinagmumuln ng petrolyong kailangan ng daigdig. Ito rin ang posibleng pagmulan ng mga kalakal na kailangan ng Pilipinas. Ito rin ang lumalagong pamilihan ng mga produktong mula sa Pilipinas at ito ang tahanan ng pinakamaraming manggagawang naglilingkod sa ibang bansa.
Dadalaw siya sa Saudi Arabia at makakausap si Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud na siyang tagapangalaga ng dalawang moske ng mga kapatid na Muslim. Magtutungo rin siya sa Bahrain at makakausap si Haring Hamad bin Isa Al Khalifa sa Manama. Nais niyang palaguin ang kalakalan sa pag-itan ng dalawang bansa,
Maglalakbay din siya sa Qatar. Hihingin niya ang tulong ng mga pinuno ng tatlong bansa upang maghari na ang kapayapaan sa Mindanao.
Nagpasalamat siya sa mga kasama sa pamahalaan at maging sa pribadong sektor sa pagtulong sa mga biktima ng lindol sa Batangas. Mabuti na lamang aT walang nasawi sa mga pagyanig ng lupa.
Nanawagan din siya sa mga mamamayan na maging handa sa anumang posibleng maganap sa kapaligiran.
Babalik si Pangulong Duterte sa Linggo, ika-16 ng Abril.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |