Red Alert, itinaas sa Luzon Grid
NAKATAAS na ang Red Alert mula sa National Grid Corporation of the Philippines kaninang ala-una ng hapon matapos yanigin ng serye ng mga lindol ang Batangas noong nakalipas na Biyernes.
Sa isang briefing sa Taguig, sinabi ni Department of Energy Spokesperson Felix Fuentebella na sagad ang energy reserves. Nawalan umano ng 2584 megawatt hours ng power supply capacity at mayroong 1,6476 megawatts ang nawala dahil sa lindol.
Apektado ng lindol ang Avion Unit 2, San Gabriel at San Lorenzo Units 1 and 2. Maibabalik sa normal ang situwasyon sa pagbabalik ng mga planta sa Luzon Grid sa susunod na ilang oras.
1 2 3 4