|
||||||||
|
||
Serye ng lindol ang yumanig sa Batangas
MAY nagaganap na serye ng mga lindol sa Batangas. Ito ang sinabi ni Dr. Renato Solidum, director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa isang panayam sa pamamagitan ng email.
Ang mga lindol na naganap sa Batangas ay naging dahilan ng bahagyang pinsala at karamihan ng mga pagyanig ay mahihina at 'di nadama ng mga karaniwang mamamayan.
Isang local fault sa Batangas ang pinagmulan ng mga pagyanig sa kanyang pagpapaliwanag na hindi ito mula sa Valley Fault na hindi na gumalaw sa nakalipas na ilang daang taon. Ang Valley Fault ay mula sa Tagaytay City sa Cavite hanggang Bulacan sa Gitnang Luzon.
Noong Sabado, niyanig ng lindol ang Batangas at maging Metro Manila, mula 3:07 na may magnitude ng 5.6 at 6.0 pagsapit ng 3:09.
Ayon sa kanilang sariling pamantayan, ang PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale VII ay mapaminsala sa bayan ng Mabini at Batangas City. Nadama ang lindol hanggang San Fernando City sa Pampanga at Daet sa Camarines Norte.
Ani Dr. Solidum, ang Pilipinas ay maraming active faults kabilang na ang mga gumalaw sa nakalipas na 10,000 taon ayon sa historical earthquake data, instrumental monitoring, geological at paleoseismologic data.
Mayroong higit sa 24 na active fault sa Pilipinas, dagdag pa ni Dr. Solidum.
Sinabi naman ni Fr. Leonido Dolor ng Archdiocese ng Lipa na napinsala ang Basilica Minore ng Immaculada Concepcion sa Batangas City dala ng magkakasunod na lindol mula noong ika-apat ng Abril at hanggang sa naganap noong nakalipas na Sabado.
Walang misang ginaganap sa loob ng simbahan upang matiyak na ligtas ang mga mamamayan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |