|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
500 grams ng florets ng broccoli
1 kutsarita ng dark soy sauce
2 kutsara ng soy sauce
1 1/2 kutsarita ng rice wine vinegar
2 kutsarita ng asukal
3/4 cup ng sabaw ng manok
1/2 kutsarita ng sesame oil
1 budbod ng puting pamintang durog
2 kutsara ng vegetable oil
4 na butil ng dinikdik na bawang
1 kutsara ng shaoxing wine
1 1/2 kutsara ng mixture of cornstarch and water
1 kutsarita ng homemade chili oil (optional)
Paraan ng Pagluluto
Hugasan ang broccoli at itabi muna. Paghalu-haluin ang dark soy sauce, ordinary soy sauce, rice wine vinegar, asukal, sabaw, sesame oil at puting pamintang durog at pagkatapos itabi muna.
Initin ang mantika sa kawali at igisa ang bawang at broccoli sa loob ng 15 seconds. Idagdag ang shaoxing wine at ituloy pa ang paghahalo. Idagdag ang sauce mixture at hayaang kumulo ang sauce. Pagkulo ng sauce, idagdag ang mixture of cornstarch and water at ituloy pa rin ang paghahalo. Pag malapot na ang sabaw, puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |