|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
4 na kutsara ng cooking oil
4 na butil ng bawang, dinikdik
Ilang piraso ng pinatuyong red chili peppers, inalisan ng buto at ginayat
1 1/4 pounds ng mustard greens, hinugasan at hiniwa nang mga 1 centimeter
1 1/2 kutsarita ng asukal
1 kutsarita ng sesame oil
Asin ayon sa panlasa
1/2 kutsarita ng organic chicken
bouillon (optional)
Paraan ng Pagluluto
Sa isang kawali, initin ang mantika sa katamtamang apoy at igisa ang bawang at chili peppers sa loob ng isang minuto pero huwag hahayaang masusunog ang bawang. Isama ang mustard greens at dagdagan ang apoy. Idagdag ang asukal, sesame oil at asin (isama na rin ang organic chicken bouillon kung gagamit nito). Haluing mabuti lahat-lahat. Takpan ang kawali ang hayaang maluto ang nakasalang sa loob ng 45 minutes. Tanggalin ang takip ng kawali at haluing muli ang mustard greens bago i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |