|
||||||||
|
||
Sa larangan ng kalakal, kumpanya ng Globe Telecom, nakipagkasundo sa Wootag at Tracy
NAGKASUNDO ANG ADSPARK, WOOTAG AT TRACX. Higit nagaganda ang digital advertising sa pagkakasundo ng tatlong may pangalan at pagkadalubhasa sa digital advertising. Makikita sina Glenn Estrella ng AdSPark, Ross Williams ng Tracx at Raj Sunder ng Tracx. Dumalo rin si G. Ernest Cu ng Globe Telecom. (Contributed Photo)
ISANG "strategic partnership" ang magaganap sa pakikipagkasundo ng AdSpark sa kinikilalang mga kumpanya sa daigdig upang higit na gumanda ang digital advertising sa Pilipinas.
Sa simpleng seremonya kanina, sinimulan ang pagtutulungan ng Wootag at Tracx sa AdSPark upang makapag-alok ng makabagong sistema sa pamamagitan ng intensive analytics. Ang AdSpark ay isang innovative data-driven digital marketing solutions firm na pag-aari ng Globe Telecom.
Ani G. Glenn. Estrella, pangulo at CEO ng AdSpark, patuloy na lumalago ang digital marketing sa Pilipinas at pinangungunahan ng video at social analytics. Sa pamamagitan ng Wootag at Tracx, higit na makikinabang ang mga nasa larangan ng advertising sa Pilipinas.
Sa kasunduan, ang AdSpark ang tanging magbibili ng Wootag at Tracx sa bansa. Ang Wootag ay katatampukan ng makabagong video na pakikinabangan ng mga advertiser sa Pilipinas. Ang Wootag platform naman ang maglalaan ng video content sa pagkakaroon ng direktang ugnayan sa products sa loob ng video sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang "Tap", "Discover" at "Engage."
Sa panig ni Raj Sunder, Chief Executive Officer ng Wootag, makikinabang ang mga international at local brand sa pamamagitan ng interactive at real-time data experience para sa kanilang mga video.
Ayon kay Ross Williams, ang Managing Director ng Tracx sa Asia Pacific Region, ang mga nakakasama nila ay pumapasa sa mahigpit na pagsusuri ayon sa kanilang innovation, digital at social media skills at magandang pangalan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |