|
||||||||
|
||
KINILALA ng Korte Suprema na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) si retired Supreme Court Justice Jose Vitug na mamuno sa tatlo kataong lupon na magsisilbing hearing officers sa protestang kinasasangkutan ni Vice President Leni Rodredo at dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. Makakasama sa lupon sina Atty. Angelito Imperio at Irene Ragodon-Guevarra.
Ito ang napapaloob sa PET Resolution na may petsang ika-anim ng Hunyo.
Ayon sa resolusyon, upang madali ang pagdinig at paglutas sa protesta at kontra-protesta, minabuti nilang magkaroon ng lupon na kikilos sa ngalan at na sa ilalim ng kontrol at supervision ng Korte Suprema sa pagtanggap ng mga ebidensya ayon sa itinatadhana ng batas.
Si Justice Vitug na naglingkod mula 1993 hanggang 2004 (sa Korte Suprema) ay tatanggap ng P15,000 bawat araw samantalang ang dalawang abogado ay tatanggap ng P10,000 bawat araw.
Sila ang nararapat magdesisyon ng sama-sama at kung hindi man, ang desisyon ng mayorya ang masusunod.
Magkakaroon ng preliminary conference ang PET sa darating na ika-11 ng Hulyo sa protesta ng nakababatang Marcos at tinugunan naman ni Vice President Robredo ng counter-protest.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |